Sino nga ba ang Trapo?

Sino nga ba ang Trapo?

From “Kaya Natin” ( Column in Abante) ni Mayor Jess Robredo

Ngayon na malapit na naman ang halalan, ang sali­tang trapo (na hinango sa salitang “traditional politician”) ay muling magiging bukang bibig hindi lamang ng mga pulitikong magkatunggali kung hindi pati ng mga ordinaryong mamamayan. Walang gustong matawag na trapo. Para bang ito ‘yung mga kontrabida sa larangan ng pulitika. Nag-umpisa ang “branding” na ito noong halalan ng 1992. Sinubukan ng yumaong Speaker Ramon Mitra, ng lumaban siya bilang Pangulo, na bigyan ng magandang kahulugan ang salitang trapo, ng binansagan siya at ang kanyang mga kasama na mga trapo. Hindi siya nagtagumpay.

Sa ordinaryong mamamayan, ano nga ba ang trapo para sa kanya? Sa aking pakikisalamuha sa aming lugar, sinubukan kung hingin ang mga pananaw ng mga tao. Ayon sa isang NGO worker, ang trapo raw ay ang pulitiko na angkinin at pangalandakan ang mga proyekto ng gobyerno na parang ang mga ito ay galing sa kabutihang loob niya (kumpleto pati litrato niya). Alam naman natin na ito ay galing sa pamahalaan at hindi sa kanyang personal na bulsa. Ayon naman sa isang negosyante, ang trapo raw ang pulitiko na parating huli sa oras at matagal na nagpapaantay sa mga taong dapat niyang paglingkuran. Hindi lamang sa opisina o sa mga palatuntunan. Pati sa kasalan na siya ay naanyayahan. Pati sa mga pasahero ng eroplano na kailangang maghintay at magpasensiya dahil wala pa ang VIP. Hindi iikot ang mundo kung wala pa siya. Ayon sa isang titser, ang trapo ay ang mga pulitiko na pera ang tanging paraan para makaakit ng papuri at atensyon. Tulad daw ng isang pulitiko sa lugar namin na imbes na magbigay ng inspirational message sa mga graduates, tinawag na lang ang mga magulang sa stage at binigyan ng tig-P500.

Tinawag din ang principal para bigyan ng perang pang ekskursiyon ang lahat ng mga guro. Napakaaga naman mamili ng boto. Nagbago na ang trapo. Nagpakatrapong-trapo na siya. Ayon naman sa isang tricycle driver, ang trapo ay ang pulitiko na naka-sirena at “wang-wang” habang tumatakbo ang kanyang sasakyan sa kalsada, dahil ayaw niyang mahuli sa kanyang appointment subalit ayaw din niya namang gumising ng maaga. Ayon sa isang pulis, ang trapo ay ang pulitiko na ubod ng rami ng bodyguard kahit saan siya pumunta. Gusto niya ng tungkulin at kapangyarihan subalit takot siya sa peligro ng tungkulin na kanyang hinahawakan. Ayon sa isang SK Chairman, ang trapo ay ang pulitiko na nagpapakita lang sa lugar pag malapit na ang halalan. Mas madalas pa sa coffee shop kesa sa mga lugar na ang mga tao ay nangangailangan ng pagkalinga. Ayon sa isang waiter, ang trapo ay ang pulitikong sumasakay sa kasikatan ng iba para mapansin din siya. Ayon sa isang kilala kong pastor, ang trapo ay ang mga pulitikong tiwali na ginagatasan ang pamahalaan para manatili sa kapangyarihan. Ika nga ginigisa nila ang mga tao sa sarili nilang mantika at walang malay pa itong nagpapasalamat sa kanya.

Ganito ang mga trapo sa ating pulitika. Maraming nagtataka na kahit bistadong bistado na sila, patuloy pa silang naghahari sa ating bansa. Sabi ng iba, kinakasangkapan ng mga trapo ang kahirapan ng mga mamamayan. Sabi ng iba, kinakasangkapan ng trapo ang kamangmangan ng mga mamamayan. Subalit ang sabi ng trapo, nilalaro niya lang ang laro ng mga botante pagdating ng halalan. Pumapayag ang trapo na pagsamantalahan siya tuwing halalan. Kaya’t dapat lang pagsamantalahan niya rin ang mapagsamantalang botante pagkatapos nito. Trapo daw siya dahil trapo rin ang botante. Sa ganitong mga pananaw, makaahon pa kaya si Juan de la Cruz? Makaahon pa kaya ang ating bansa? Sagutin natin sa 2010!

http://www.abante.com.ph/issue/apr0509/op_jr.htm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s