Fr. J. Bernas: Magalit ang Mamamayan sa Pag-gang rape sa Saligang Batas!

Ayon ki Fr. J. Bernas pinaglalaruan ng mga mambabatas ang Saligang Batas. Dapat magalit ang mamamayan sa “pag-gang rape” na ito.

Ang buong Panayam ni Mike Enriquez ki Fr. J. Bernas tungkol sa pag-convene ng House of Representatives bilang isang Constituent Assembly (ConAss):

BERNAS: In my view, yung boto nila kagabi, di na yan kailangan because according to the Constitution, constituent assembly na sila. In the Constitution, “Congress may propose amendments.” This means that the Congress is already a constituent assembly.

ENRIQUEZ: Pwede na silang magsagawa ng pagbabago?

BERNAS: Anuman ang magagawa nila, dapat ipasa sa Senado. Hindi maliwanag kagabi eh.Tatlo yung proponents, sponsors. One of them said, na di na kailangan yung Senado. Two of them said, ‘whatever we accomplish here, ipapasa natin sa Senado.’ Ano ba talaga gusto nila? Kung ‘di nila ipapasa, balewala yan.

ENRIQUEZ: Ipasa man nila o hindi sa Senado,… halos lahat ng senador iisa ang sinasabi, ‘Ayaw namin diyan.’ Kung ayaw sumali ng mga senador, paano na ngayon, constituent assembly pa rin ba sila?

BERNAS: Walang mangyayari. Di sila makakabuo ng proposal for amendment. Wala silang maibibigay sa plebisito.

ENRIQUEZ: Halimbawa ngayong umaga, may isang kongresistang magpumilit na magsulong ng proposal sa kahit anong pagbabago ng Konstitusyon. Kunyari tinalakay ‘yan dito sa Kamara, may paglabag na ba ‘yon?

BERNAS:Wala. Halimbawa, makabuo ng isang proposal. And then ‘di nila ibinigay sa Senado, and then ibinigay nila sa Comelec. ‘Oy, Comelec, maghanda kayo ng plebisito.’

ENRIQUEZ: Ibig sabihin, ihaharap niyo ito sa mga tao.

BERNAS: Oo.

ENRIQEUZ: Ano ang dapat maging reaksiyon ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino sa kaganapan sa Kamara?

BERNAS: (Laughs) Magalit.

ENRIQUEZ: Ano po?

BERNAS: Magalit…Sabi nga ni Cong. Joson parang gang rape.

ENRIQUEZ: Bakit dapat magalit?

BERNAS: Kasi pinaglalaruan nila ang Saligang-Batas at tsaka pinaglalaruan nila ang tao.

ENRIQUEZ: Kung hindi babaguhin ang Saligang Batas ngayon, na kahit mga katulad ninyo ay kinikilala na nangangailangan ng pagbabago sapagkat ang Saligang Batas ay nahuhuli na sa panahon, kailan dapat baguhin ang Konstitusyon, Father?

BERNAS: After the election.

ENRIQUEZ: May nakikita ba kayong di pangkaraniwang pagmamadali sa nangyari sa Kamara.

BERNAS: Kung nagmamadali sila, ‘di ko alam kung bakit. Gusto ba nilang ipasok ang term extension?

ENRIQUEZ: Mayroon pong mga kongresista na iginigiit na iba ang pagbabago ng Konstitusyon o Charter change o Cha-cha (at) iba ang sa term extension. Naniniwala ba kayo sa nagsabi na ibang usapan yung term extension? May nagsasabing: “Wag niyo pagsamahin ‘yan!.”

BERNAS: You cannot extend the term without changing the Constitution.

ENRIQUEZ: Yung mga nakaupo, panay ang pangako na hindi sila mananatili sa puwesto.

BERNAS: Pero yung “Whereas clause” sa 1109, nagsasabi na they are committed not to extend terms but not binding daw. Sabi nila kagabi eh.

ENRIQUEZ: Nako naloko na. Mayroong nakalagay na “no term extension, pero not binding.”

BERNAS: I think the ninth Whereas clause, they say this has nothing to do with term extension, and then they are saying last night that is not binding.

ENRIQUEZ: Sabi niyo po dapat magalit ang tao. Ano naman ang dapat gawin pag ang tao nagalit? Definitely magkakaroon ng kilos protesta.

BERNAS: ‘Di ko sasabihin sa’yo. Baka inciting to sedition na. (Laughs)… Let me tell you this, Mike. There is nothing yet that they can bring to the Supreme Court. Halimbwa, makabuo sila ng amendment and then binibigay nila sa Comelec. Sabi nila sa Comelec, ‘Maghanda kayo ng plebisito.’ Sabi ng Comelec, ‘Di puwede.’Then they can go to the Supreme Court. Yung ang justiciable cause. The Supreme Court does not answer theoretical questions. There has to be an actual controversy before the Supreme Court comes in.

ENRIQUEZ: Tama bang sabihin partly lang ito, acoustic lang ito?

BERNAS: Medyo. (Laughs)

ENRIQUEZ: Di pa full orchestra ito.

BERNAS: Na sintunado. (Laughs).

–33–

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s