The Return of the Comeback

Isang taon din ang lumipas at nagdaan na tila naging bahay ng gagamba ang blogsite na ito. Na kung pagmamasdan at palalawakin ang imahinasyon, maraming agiw na ang nakakabit dito. Parang isang baol na hindi na nabigyan ng pagtingin at nilimot ng kasaysayang nagdaan ang bawat nilalaman nito.

Subalit hindi ito nangangahulugan na tuluyan na nating siyang ibinaon sa limot. Dahil ang baol, na minsan ding naiwan mag-isa sa silong ng ating bahay ay dadating din ang oras, na muli mo siyang bubuksan at makikita ang maganda nitong laman, at iyon ay ang pagtingin natin sa isang lipunan.

Sa bawat pagdaan ng panahon, sino ang makakapagsabi ng dapat nating gawin? sino ang dapat kumilos para sa nais nating makamtan at sino ang dapat na gumalaw para marating ang nais mapuntahan.

Sa pagkakataong ito, bigyan natin ng isang bagong pagkilala ang paraan na “patok” sa mamamayang pilipino, at ito ay ang “online media” na kung saan, patuloy na umaangat ang bilang ng mga pilipino sa buong panig ng mundo ang gumagamit ng “Internet” at sa pamamaraan ng ”Blog” ay isa ito sa magandang pamamaraan upang ipakita at iparinig ang bawat nilalaman ng bawat taong nagnanais na magkaroon ng pagbabago.

isang panibugho ang nais iparating ng mensaheng ito, na naka-halaw sa masidhing damdamin ng isang manunulat, na minsan ding nawalan ng kataga, dahil ang isip nga’y napapagod din. at ngayon ang simula ng bagong pagbangon na makisabay sa agos ng panahon. kasama ang bawat “kasama” sa pakikibaka, at ang tagumpay ng Partido para sa isang Pagbabagong Lipunan!

MABUHAY TAYONG LAHAT!

– jah bringas

Advertisements

One thought on “The Return of the Comeback

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s