Pangamba at Pag-asa

Pangamba at Pag-asa:

Ukol sa Ikalawang SONA ni PNoy

ni Marlon Cornelio*

Magso-SONA (State of the Nation Address) na naman si PNoy. Ito ang kanyang ikalawang pagkakataon.

Sa bawat SONA ng sinumang pangulo, kailangang magbigay ng pangkalahatang kalagayan ng bansa. Maliban sa buod, kailangan din ng mga detalye. Halimbawa, okay ba o di-okay ang kalagayan ng bansa, ang kalagayan ng mga Pilipino? Paano nasabi ito? Maliban pa dito, kailangan ding magbigay ng direksyon. Saan tayo patungo? Anu ang kailangang gawin? Hindi rin pwedeng motherhood statements lang o sagot na pang-Ms. Universe. Kailangan din ng mga detalye,  mga konkretong plano, patungkol sa iba’t ibang aspeto ng buhay (edukasyon, kalusugan, trabaho, peace and order,  imprastraktura, at iba pa). simple, ang SONA ay sasagot sa mga tanung na: asan tayo, bakit? saan tayo patungo, paano?

Totoo na ang may pangunahing tungulin sa SONA ay ang gobyerno, partikular na ang Pangulo, Si PNoy. Natural lang na ki PNoy at sa kanyang gabinete nakatuon ang pansin ng mga tao. Natural lang na hihingan siya ng direksyon ng mamamayan.

Sa ibang pagkakataon, ginamit ang ganitong pagtingin sa SONA upang bolahin at paasahin ang mga tao. Nagbibigay halimbawa ng mga magagandang istadistika sa ekonomiya, samantalang butas naman ang bulsa, pati ang sikmura ng mga mamamayan. Nagbigay din ng mga pangako at paasa. “Bibigyan ko kayo ng trabaho.” “Pabubutihin ko ang kalagayan ng inyong buhay” “Tutuparin ko ang inyong mga kahilingan na isinulat sa bangkang papel”.

Tinatanggal sa larawan ang mamamayan. Tinatanggalan ng kapangyarihan.

Ang SONA ay ibinibigay ng pangulo, pero hindi ito tungkol lamang sa kanya o kanyang gobyerno. Tungkol ito sa kalagayan ng bansa, ng tao. Sinu pa ba ang higit na makakaalam nito kundi ang tao mismo. Dapat ang panahon ng SONA ay panahon din para sa mamamayan upang pag-isipan ang kanilang kalagayan, ang kalagayan ng kanyang bansa. Panahon din ito para singilin ng mamayan ang gobyerno. Ganun din, para ipaalam sa gobyerno kung anu ang mga pangangailan nila at kung saan nila gusto tumungo. Ginagawa naman na ito sa pangunguna ng mga samahang pangkomunida, mga civil society organizations (CSOs) o non-governmental organizations (NGOs), ganun din ng media at mga akademiko.  Mayroon ngang mga alternatibong SONA o SONA ng mamamayan. Sa tingin ko, dapat hinihikayat ito ng pamahalaan, at masusing pinakikinggan. Oportunidad din ito para sa dayalogo.

Hindi naman tayo uusad kung hindi tayo nagkakasundo kung asan tayo at san tayo dapat patungo.

Bilang ambag sa ganitong proseso, sa aking kinabibilangan na organisasyon – ang Akbayan Youth, ay mayroon ding ganitong mga pagtatasa. Dahil binubuo ang aking organisasyon ng mga kabataan, pangunahin naming tinitingnan ang kalagayan ng aming sektor kaugnay sa pangkalahatang kalagayan ng bansa. Naglabas nga ang Akbayan Youth ng pahayag ayon sa SONA kasama pa ng ibang mga organisasyong pangkabataan na kabilang sa Mabuting Pilipino(MP) Youth. Sa pahayag na ito, pinagtuunan ng pansin ang tatlong pangunahing isyu ng mga kabataan – trabaho, edukasyon, at kalusugan. Nagbanggit ng mga datos ukol sa kalagayan ng kabataan sa mga isyung ito. Ganun din, nagsusulong ng mga panukala upang tugunan ang mga problemang kaakibat ng ganitong mga usapin. Hinihingi ng mga kabataan na ang Security of Tenure Bill, Students’ Rights and Welfare (STRAW) Bill, at Reproductive Health (RH) Bill ay agarang maisabatas. Ito ay mga panukalang batas na tiyak na dadaan o dumadaan na sa butas ng karayom. Ayon pa nga sa ilang mambabatas na tutol dito, ‘over my dead body’- mga sagabal sa matuwid at maunlad na daan.

Puno rin ng pangamba at pag-asa ang mga kabataan sa kanilang kalagayan at sa kalagayang pambansa, ayon parin sa pahayag ng MP Youth. Pangamba dahil sa malakas ding oposisyon sa pagbabago dala ng mahigit na isang dekada ng pamumuno ni Gloria Arroyo. Hindi rin uusad ng hindi natatama ang mga pagkakamali. Sabi nga, walang pagkakaisa kung walang hustisya. Walang susulong, kung ang mga kriminal ay di pa naipapakulong. Sa kabilang banda, pag-asa dahil patuloy na nangangarap at naghahangad ng pagbabago ang mga kabataan, ang mamamayang Pilipino. Pag-asa na sa huli ay mananaig ang tama at totoo.

Habang pinag-iisipan at pinag-uusapan namin ang lalamanin ng magiging pahayag ukol sa SONA ay napag-isip din ako. Inalala ko ang mga balita sa dyaryo at tv. Tinanong ko ang aking sarili. Sa nakaraang taon, anu kaya ang naging epekto ng mga pangyayari, partikular sa mga kabataan?

Naalala ko ang mga kasong isinampa at parusang ibinigay laban sa mga tax evaders at mga kurakot.  Naalala ko nang nabuhayan ako ng loob sa mga nanunungkulan ngayon sa gobyerno, hindi siguro sa lahat, pero sa karamihan. Naalala ko na madami sa aking mg aka-batch, mga bagong gradweyt ay ganadong magtrabaho sa gobyerno, kahit na mas mataas parin ang sahod sa call centers.

Unti-unti nang nagbabayad ang mga tiwali. Isa-isa nang nalulupil ang mga galamay ng dating tiwali at abusadong rehimen. May mga matapang na naninindigan, lumalaban, may mga magagandang laban!

Sa aking pagsusuma para sa SONA, simple ang magiging mensahe nito sa kabataan: mananagot ang may kasalan; hindi totoong walang mangyayari; mahirap ang laban ngunit may pag-asa; may magandang laban.

Alam ko na sa ganitong kalagayan sa ganitong simpleng mga mensahe, kusang kikilos ang mga kabataan at mag-aambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa. Matulin ang magiging takbo sa matuwid na daan.

———————————————————

*Pangalawang taga-pangulo ng Akbayan Youth.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s