Honor Her. Finish Your Studies.Fight for a Better Future!

Honor Her. Finish Your Studies.Fight for a Better Future!

Akbayan Youth on the Death of a UP Manila Student

up black

We in Akbayan Youth express our deepest condolences to the UP Manila community and especially to the friends and family of the UPM student who, according to initial reports, committed suicide due to financial constraints that forced her to file leave of absence.

The loss of life of one student is a loss of many. It is a loss of one student’s dream for a bright future. It is a big loss for that aspiration that through education and hard work one can uplift one’s life and his/her family’s life out of misery and poverty. It is a big loss for a society trying to build itself as caring and supportive of its members.

This very sad incident highlights the necessity to reexamine our collective goals towards education. It redirects our attention to the current state of our education system and to the plight of the youth and students in our country.

We in Akbayan Youth maintain that education is a basic right. Providing accessible and quality education is an obligation of the state to ensure that its people achieve their full potentials and contribute meaningfully to the society. Ultimately, as stipulated in the International Bill of Rights, primary and secondary education should be free and accessible and the state should make progressive actions for free higher education.

A basic step is for the government to follow the international benchmark on education spending for developing countries at a minimum 6% of the Gross National Product (GNP), as prescribed by the 1996 International Commission on Education, popularly known as the Delors Commission. While we laud the efforts of the current administration to dramatically increase the education budget from 2011 to 2013 (PhP 207.3 B, 238.8 B, and 292.7 for DepEd respectively), we lament that it still remains way below 3 % of the GDP, an event smaller figure compared to the GNP. Education budget, in fact, declined from 2.3 % in 2011 to 2.1 % of the GDP in 2012.

The quality of education and school enrollment rate continues to deteriorate with less and less spending on education. Data from both the DepEd and DBM show strong correlation between enrollment rate and government spending on education. Furthermore, only 7 out of 10 students graduate in elementary while 5 out of this 10 graduate from high school, according to DepEd BEIS (Basic Education Information System) in 2008-2009.

Access to and quality of higher education is even worse. The five students that graduated from high school do not necessarily get to enter college. Education has basically been commoditized – only those with money can have access. The barely minimum support for State Universities and Colleges (SUCs) to provide relatively affordable education to the poor and marginalized has resulted to tuition fee increases in SUCs and the lessening of state subsidy. Such is the case of the University of the Philippines and other SUCs. Such is the situation that has pushed one student to the extreme.

We challenge our government to take concrete measures in bringing back the youth to schools. We call for a minimum and mandatory 6% of GNP allocated for education.

While we call for greater state subsidy for education, we also call on the premier national university to intensively review its implementation of the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) towards the end increasing coverage to poor students. We deplore the University’s policy to force indigent students to file leave of absence for their inability to pay school fees.

Similar repressive policies are likewise implemented in other schools, public or private.  We call on CHED to put more teeth on the implementation its memorandum imposing sanctions to schools on their “no tuition, no exam policy” which is a common practice among private universities and colleges.

We enjoin colleges and universities to establish or strengthen their guidance offices and peer support and counseling mechanisms to provide life saving interventions to students being taken down by stress and pressure for academic and social loads.

To our fellow students, we encourage you to honor the death of the UPM student by being even more diligent in attending classes and striving even harder to take full opportunity of being in school. Let us remember her as we remember our fellow youth, 50% of whom, are not even able to enter higher education. Honor her by finishing your studies. Honor her more by fighting for a better future. Let us reaffirm our commitment to fight for a more democratic, accessible and quality education for all.

Edukasyong may Diwang Filipino

National Artist Virgilio Almario, a.k.a. Rio Alma(Talumpati para sa Pagtatapos sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, 26 Abril 2009) ni VIRGILIO S. ALMARIO

“a nation of servants”

—Chip Tsao (27 Marso 2009)

“Why are we in such a mess?”

—Washington SyCip (3 Setyembre 2008)

“Ang tunay mong ‘bayan’ ay ang iyong paroroonan, hindi ang iyong kinaroroonan.”
—Rumi (1207-73)

UNANG HIRIT: Alam ba ninyo na walang salitâng “laya” at lalo na”y “kalayaan” sa alinmang wika ng Filipinas? Natuklasan ito ni Rizal noong 1886 hábang isinasalin mula German ang Wilhelm Tell ni Schiller. Isang salitâ na madalas gamitin ni Schiller ay Freiheit, ang salitâ na katumbas ng libertad sa Espanyol at freedom sa Ingles. At sa isang liham sa kaniyang kapatid na si Paciano ay naidaing ng ating Pambansang Bayani na wala siyang maapuhap na pantumbas mula sa Tagalog. Ayaw niya ng kaligtasan sapagkat hindi diumano iyon ang diwa ng Freiheit o freedom. Inililigtas ang tao mula sa isang kasawian. Inililigtas ang tao mula sa bilangguan o parusa. Hindi gayon ang konsepto ng freedom. Sang-ayon sa paniwala nina Rousseau, ang freedom ay isang natural na katangian ng táo. Taglay ito ng táo nang ipanganak kayâ hindi dapat angkinin ng iba. Kung sakali ngang alisin sa isang táo ang kaniyang freedom, nababawasan ang kaniyang pagiging táo. Bumababà ang kaniyang pagkatáo. Sa gayon, karapatan niya at tungkulin na ipaglaban ang kaniyang freedom. Karapatan niya at tungkuling bawiin ito mula sa sinumang maniniil o manlulupig.

Salamat at naalala ni Rizal ang salin ni Marcelo H. del Pilar ng kaniyang sanaysay na “El Amor Patrio” at inilathala sa Diariong Tagalog noong 1882. Doon ginamit ni Plaridel ang kalayaan katumbas ng libertad.

Saan napulot ni Marcelo H. del Pilar ang kalayaan? Inimbento ba niya ito?

Hindi natin alam. Ngunit isang napakahalagang salitâ ito sa ating kasaysayan. Magiging bukambibig ito ng mga lihim na kumikilos laban sa pananakop ng mga Espanyol. Sasambit-sambitin ito ng mga Anak ng Bayan, isasatula ni Andres Bonifacio, at gagamiting pangalan ng peryodiko ng Katipunan. Kalayaan. Isinilang ang kalayaan sa ating wika sapagkat kailangan ng panahon, sapagkat nararamdaman ito ng sinumang umiibig sa bayan. Kalayaan. Ang salitâng ito ang mitsa ng Himagsikang Filipino. Ito ang Unang Sigaw noong 1896. Ito ang diwa ng pinakadakilang yugto sa ating kasaysayan.

Subalit binigo ang ating Himagsikang Filipino. Binigo ng pananakop na Amerikano. Ngunit higit na binigo ng mga pagtataksil sa diwa ng kalayaan, ng pambansang kalayaan, mula sa hanay ng mga lider ng rebolusyon at ng Republikang Malolos. Masyadong maikli ang Himagsikang Filipino. Kung bagá sa edukasyon, kulang ang panahon upang maisaloob ng sambayanan ang diwa ng pambansang kalayaan, upang ganap niláng makilála ang halaga nitó, at upang kusa niláng angkining tungkulin ang pangangalaga at pagpapayabong sa diwa nitó bílang mga Filipino.

Ay, ang maging Filipino! Hindi lamang tayuo lumaya dahil sa Himagsikang 1896. Iniluwal din mula sa Himagsikang 1896 ang ating bansa—ang mahal nating Filipinas—at ang ating pagtawag sa sarili na “Filipino.” Mula Greyd I, memoryado natin ang panunumpa sa Watawat na “Sisikapin kong maging isang tunay na Filipino: sa isip, sa salitâ, at sa gawa.”

Sino ang Filipino

Ikalawang Hirit: Ngunit ano nga ba ang “Filipino”? Mukhang hindi natin kilála ang ating sarili bílang Filipino. Ano ba ang Filipino? At mahihirapan táyong sumagot. Malimit ngang mali o tiwali ang pagkakilála natin sa ating sarili. Sabi sa isang Pinoy joke: Ano ang pagkakaiba ng isang Japanese driver at isang Filipino driver? Sagot: Ang Japanese driver daw, kapag nakakíta ng yellow light ay agad magpepreno at hihinto. Pero ang Filipino driver daw, kapag nakíta ang yellow light ay nanggigigil na didiinan ang silinyador para makatawid ng krosing bago mag-red light.

Sa joke na ito, hindi lang kaskasero ang Filipino. Isa siyang hayop na ginagamit ang kalayaan para lumabag sa batas. Sayang ang hirap ng Himagsikang 1896 para sa kalayaan dahil ginagamit natin sa masamâng paraan. Ano ang kalayaan? Sabi sa kanto: Pag may batas, may butas. Sabi naman sa Kongreso: What are we in power for? Sobrang baluktot ang paggamit natin ng kalayaan at sobrang walang dangal ang tingin natin sa ating sarili bílang Filipino.

Dito sa UP, katatapos nating ipagdiwang ang sentenaryo ng ating pagkatatag. Para namang pinagtiyap na sa taon ng ating sentenaryo ay idineklara rin ang UP na “the national university”—ang pambansang unibersidad ng Filipinas. Totoo naman, sapagkat maipagmamalaki natin na mula sa UP ang maraming lider ng politika’t negosyo ng bansa. Ngunit mataginting ding inusig táyo ng lektura ni Washington SyCip. Usig niya: “Why are we in such a mess?” At nasaktan tayo nang tawagin ni Chip Tsao na “a nation of servants.” Mabuti’t hindi sinabi ni Chip Tsao na “a nation of corrupt politicians,” “a nation of terrorists and kidnappers,” “a nation of kotong,” “a nation of manggagaya and mangongopya.”

Why are we in such a mess? Puwede nating sisihin ang lahat ng institusyon sa Filipinas. Sabi ni Presidente Erap noong isang Biyernes, kasalanan ng gobyerno. At isasagot ng Malacañang, kasalanan ni Erap. May kaibigan ako na lagi namang sinisisi ang Simbahan dahil sobrang mahilig sa pera. Ngunit kailangang sisihin din natin ang paaralan. Malaki ang kasalanan ng pormal na edukasyon, at lalo na ng edukasyong UP, sa naghaharing korupsiyon sa lipunang Filipino. At ano ang problema sa ating sistema ng edukasyon? Muli, marami táyong puwedeng ilistang problema. Ginagawa natin ito taon-taon tuwing opening of classes. At kinalilimutan hanggang dumatíng muli ang opening of classes. Ano naman ang ating solusyon? Marami. At marami sa mga ito ang “rebolusyonaryo,””progresibo,” “inobatibo,” “gumagamit ng pinakabagong teknik at teknolohiya.” Lahat ay nag-aadhikang maging center of excellence ang ating unibersidad.

Ngunit ngayon, nais kong maging konserbatibo. Ano ang silbi ng pinakamahusay na ekonomista kung mag-iisip lang ng bagong Legacy? Ano ang silbi ng pinakamatinik na abogado kung mag-iisip lang ng pagdaya sa eleksiyon? Ano ang silbi ng pinakamatalinong administrador kung mag-iisip lang ng bagong fertilizer scam? Ano ang silbi ng mapakagalíng na doktor o nars kung mangangarap lang mag-caregiver sa Saudi o London?

Dakilang Mithi ng Edukasyon

Ikatlong Hirit: Hindi sapat ang edukasyon for excellence. Ang unang pangaral nga noon pa ni Emilio Jacinto sa mga nais sumapi sa Katipunan ay: “Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim kundi man damong makamandag.” Marami sa ating mga ekselenteng gradweyt ang “kahoy na walang lilim.” Hindi silá pinakikinabangan ng kapuwa Filipino. Sáyang ang kanilang edukasyon. Ngunit mas karima-rimarim ang maraming mga gradweyt na nagiging “damong makamandag.” Silá ang mga modernong kaaway ng bayan. Kung gradweyt silá ng UP, sáyang ang pagiging iskolar nilá ng bayan. Hindi nilá sinunod ang pangaral ni Jacinto na igugol ang búhay para “sa isang malaki at banal na kadahilanan.” O dapat din nating sabihin: Nagkulang ang UP sa kanilang edukasyon? Nagkulang ang UP sa kanilang edukasyon, sapagkat hindi silá nabigyan ng sapat na leksiyon kung paano “ginugugol” ang búhay para “sa isang malaki at banal na kadahilanan.”

Ang “isang malaki at banal na kadahilanan” ni Jacinto ang tatawagin kong “dakilang mithi” ng edukasyong Filipino—ang pangwakas at pinakamataas na layunin ng ating pag-aaral bílang bahagi ng lipunang Filipino. Sa dulo ng kartilya ni Jacinto, nilagom niya sa pamamagitan ng paglalarawan kung ano ang “mahal na tao” at wika niya: “Ang kamahalaan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG DIYOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas at tunay na mahal na tao kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.”

Alam na nating lahat ito. Ipinagmamalaki natin sa UP na ibang klase ang UP sapagkat ibig nating pandayin ang mga iskolar ng bayan sa mga “dakilang mithi” noon ng Katipunan. Ngunit ibig kong ulitin ito ngayon. Dahil bakâ nakakalimutan. Lalo na sa mga kolehiyo na lubhang nakatuon kung paano lamang magiging cum laude ang lahat ng mga estudyante at kung paano magkakaroon ng mataas na suweldo pagkatapos. Sa ganitong oryentasyon, hagdan lamang lagi ang edukasyon para mangibang-bansa. O para yumaman kahit maging magnanakaw o kahit mang-api ng kapuwa Filipino.

Sa kabilâng dako, maaaring may mga kursong makabayan ngunit masyado namang nakakanal sa mga kursong puro pagsusuri sa kabulukan ng gobyerno at sa mga tiwaling ugali ng mga Filipino. Nakabubulag din ang gayong pagsusuri. Nagpupuro politika ng himagsik o kultura ng hinagpis ang isip at damdamin ng kabataan. Nakasusuklam naman talaga ang ating kasalukuyan. Ngunit dahil sa matinding poot at suklam ay lubhang nawawalan ng pag-asa sa kasalukuyan ang kabataan. Laging armadong pakikibaka ang nása isip na tanging alternatibo. Ang hindi mahilig sa armadong rebolusyon ay nabibitag naman sa pagiging cynical at pagwawalang-bahala. Ano’t anuman, napopoot man o nagwawalang paki, nalilimot niya ang paggálang sa tungkulin bílang mamamayan at ang pagkilála sa mga paraan ng pagmamahal sa bayan.

Ganito ang pakiramdam ko kapag nakakikíta ng mga sulat sa pader ng UP na: “Ibagsak si GMA!” “Mabuhay ang NPA!” Ekspresyon ito ng politika ng poot. May karapatan ang sumulat na ipahayag ang nararamdaman niyang galit kay GMA at paghanga sa NPA. Ngunit, at magagalit sa akin ang mga kaibigang tibak, bakit kailangan niyang sirain ang pintura ng kalinisan sa pader ng UP para ipahayag ang kaniyang politika ng poot? Hindi ba’t sinisira niya ang pera ng bayan na ginastos sa pintura at pagpipintura ng pader? Wala bang ibang paraan para ipahayag ang kaniyang poot? Para sa akin, ang gayong pagsulat sa pader ng UP ay hindi nalalayô sa totoong nakasusuklam na gawain ngayon ng mga trapo na magpagawa ng mga karatula’t istrimer para maipagmalaki ang kahit isang munting serbisyo publiko na ang totoo’y ginastusan ng pondo ng bayan. O ang mga tarpaulin ng greetings: “Congratulations graduates!” Inaaksaya ng mga trapong ito ang pera ng bayan bukod sa sinisirà ang tanawin sa ating mga lansangan.

Kultura Bilang Batayan ng Patakarang Pambansa

Kailangan nating magtayô ng pambansang dangal at kailangan nating magtayô ng bagong bayan. Ngunit kailangan nating isagawa ito nang may pakundangan sa sariling dangal at sa anumang maipagmamalaki natin bílang Filipino. Kailangan natin ang edukasyon upang maging “mahal na tao.” Ang “mahal na tao” ni Jacinto. At hindi ito magaganap sa pamamagitan lamang ng pilosopiya ng poot o kultura ng hinagpis. Sa halip, magaganap ito, sa palagay ko, sa pamamagitan ng isang edukasyon na umiikot sa paglinang ng pagmamahal, paggálang, at pagmamalaki sa kulturang Filipino.

Maaari nating simulan ang lahat dito sa UP. Palakasin pa natin ang pagdangal sa kulturang Filipino. Hindi lamang ito pagsasaliksik sa kagitingan ng ating kasaysayan at yaman ng ating kulturang Filipino. Nása isip ko ang isang edukasyon na kulturang Filipino ang sentro at batayan ng pagsulong. Mahirap maligaw ang ganitong mithiing pang-edukasyon. Nag-aaral ang lahat at nagiging espesyalista sa iba’t ibang disiplina ngunit pinag-iisip kung paanong ang bawat isa ay magsisilbi sa kapakanang Filipino. Kayâ’t sa dulo, ipinagpaparangalan ng lahat ang lahat ng bagay na Filipino.Hindi lamang ipinagpaparangalan ang hudhud at payyo ng mga Ifugaw. Hindi lamang ipinaglalaban ang pangangalaga sa tangrib Tubbataha, minahan sa Diwalwal, at makasaysayang mga pamana ng lahi. Ipinagpaparangalan at iginagálang natin ang Filipino upang lumikha ng isang higit na maunlad na Filipinas. Upang tulong-tulong nating maitatag ang isang bagong panahon at imahen ng Filipinas. Umiimbento ang siyentista para guminhawa ang kapuwa Filipino. Nag-iisip ng negosyo ang ekonomista para tumaas ang antas ng búhay ng mga Filipino. Naglalatag ng matibay na mga kalsada’t tulay ang mga inhinyero upang matagal na pakinabangan ng mga Filipino. Kumikilos ang mga administrador, manedyer, klerk, at obrero upang itaas ang dangal ng Filipino.

Hindi magtatagal at magbubunga ang ganitong edukasyong may diwang Filipino ng isang bagong uri ng pamamahala sa Filipinas. Ito ang pamamahala na nakabatay ang anumang pambansang patakaran—pampolitika man o pang-ekonomiya—sa kulturang Filipino. Anuman ang ipasiya ng gobyerno, ang laging nasa puso ay ang kapakanan at pagsusulong ng kulturang Filipino. Sa ganoong paraan umunlad noon ang Japan. Ang Korea ngayon. At kahit ang Vietnam. Maiaahon natin mula sa pusali ng kasawian ang Filipinas kung pagtitibayin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang paglilingkod para sa dangal at kaunlaran ng Filipinas. Para sa dangal at kaunlaran ng Filipino. Pinapangarap ko nga ang isang pambansang eleksiyon na nagpapaligsahan ang mga kandidato at partido sa paglalatag ng isang plataporma sa pagsusulong ng kulturang Filipino. Hindi tulad ngayon na ang hinahanap lamang ng mga politiko ay lider na may “winnability at compatibility with the administration.” Sa ganitong pamantayang trapo, puwedeng senador at kahit presidente sina Willie Villame at Jocjoc Bolante. Ngunit pagtiim ng edukasyong may diwang Filipino, magkakaroon lamang ng ChaCha para palakasin pa ang mga industriyang Filipino. Mag-uunahan ang mga lider sa paglutas ng kilusang sesesyonista sa Mindanao. Pipigilan ng mga batas ang mga gahamang dayuhan at lokal na businessmen sa pagkurakot ng yaman ng bayan. Magbubuhos ng higit na pondo para sa pagdevelop ng bagong negosyo’t industriya, paghubog sa malikhaing talino ng kabataan, at… magiging triple ang badyet para sa UP taon-taon.

Ngayon, mga 2009 gradweyt, hindi ko sinasabi na hindi kayo nakasagap ng edukasyong may diwang Filipino sa UP. Marami akong kilálang propesor na noon pa propeta ng pangarap kong edukasyon. Kailangan lamang buksan pa ninyo ang inyong puso’t isip sa halimbawa’y mga sanhi ng tanong ni Washington Sycip na “Why are we in such a mess?” Kailangan lamang damahin pa ninyo kung bakit tinawag táyo ni Chip Tsao na “a nation of servants.” Kailangan lamang tupdin ninyo ang panunumpa sa Watawat na “Magsisikap akong maging isang tunay na Filipino: sa isip, sa salitâ, at sa gawa.” Hindi Filipino sa isip lamang. Hindi Filipino sa salitâ lamang. Higit sa lahat, Filipino sa gawa.

Huling hirit: Alam ba ninyo na hindi Tagalog ang “katarungan”? Biktima ng pang-aapi si Florante ngunit “hustisya” at “katwiran” ang isinisigaw niyang hiling sa langit. Bakit? Sapagkat hiram lamang ang “katarungan” sa “tarong” ng mga Bisaya. Nilagyan ng mga panlaping “ka-“ at “-an” at itinapat sa justicia o justice.

Ano ang ibig kong sabihin?

Kung ang pagbuo ng wikang pambansa ay nangangailangan ng ganitong panghihiram sa ibang katutubong wika, ang pagbuo ng pambansang kultura ay hindi monopolyo ng mga Tagalog lamang. Ang pambansang kultura ay isang pinagsanib na monumento ng mga wika’t kultura ng lahat ng mga pangkating etniko’t rehiyonal sa buong Filipinas. Ngunit hindi magaganap ang ganitong pagbubuo hanggang hinahati lamang táyo ng mga makikitid na layuning pansarili’t rehiyonal. Hindi táyo ganap na magkaisa. O sa totoo lang, sinasamantala ng mga politikong trapo ang hindi natin pagkakaisa upang lalo táyong hindi magkaisa at patuloy nilang mapagsamantalahan. Samakatwid, kailangang iwaksi natin sa lalong madalîng panahon ang mga sinaunang utak-barangay at pangingibabawin ang diwang Filipino, ang diwang Filipino na nagbubunyi sa sari-sari’t makulay na kultura ng lahat ng mga pulo’t rehiyon sa Filipinas.

Marami pong salamat sa inyong pakikinig. Sumainyo ang diwang Filipino.

Ferndale Homes. 22 Abril 2009